San Pablo City, Laguna. Arestado ang isang lalaki matapos saksakin ng gunting ang isang pulis na sumita sa kanya matapos siyang ireport sa kasong trespassing at pang gugulo.
Ayon sa report, nag responde ang Mobile 97 ng San Pablo City Police Station sa pamumuno ni PMSg Gabriel Roy Mañibo matapos makatanggap ng tawag sa telepono mula kay Sheila Bagang Ibañez, 37 anyos na online seller hinggil sa panggugulo sa Brgy. Sta. Catalina, sa nabanggit na lungsod, ng isang lalaki na kinilalang si Junior Rufo Gutierrez Barba, 30 anyos.
Sumunod sa lugar upang umalalay sina PCMS Nomer Soriaga Flores, PCPL James Flor Taccad Buted, PAT Joshua Alcantara Badillo at Barangay Tanod Rolando Baga Secreto at Edwin Delacruz at hinarang ang suspek na armado ng gunting ngunit tumakbo ito sa madilim na lugar.
Hinabol at nakorner ng mga pulis ang suspek at hinablot ni Mañibo ngunit nanlaban ito at sinaksak siya ng gunting sa may dibdib.
Nadakip si Barba at nakatakdang humarap sa mga kasong Less Serious Physical Injury, Serious Disobedience, Assault against a Person in Authority, Direct Assault, Alarm and Scandal, Grave Threat at Trespassing.
Samantala, nasa ligtas ng kalagayan ang nasaksak na pulis.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.