Pulis nahaharap sa mga kaso dahil sa e-sabong

0
245

Nahaharap ngayon ang isang pulis na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-4A (Calabarzon) sa kasong administratibo at kriminal dahil sa kanyang pagkagumon sa e-sabong (online cockfighting).

Batay sa mga ulat na nakarating sa Camp Crame nitong Huwebes, kinilala ang pulis na si Lt. John Kevin Menes, 24, nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit – 4 (DEG– SOU4), PRO-4A, na nahaharap sa kasong sa estafa at ilegal na sugal.

Si Menes ay nagtapos ng PNP Academy ay unang nilagay sa restrictive custody sa headquarters ng PRO-4A sa Laguna dahil sa pagkawala ng humigit-kumulang PHP500,000 na cash na inilaan sa DEG sa Calabarzon na ginagamit bilang show money sa buy-bust operasyon at iba pang gastusin ng mga lokal na police anti-drug units.

Gayunpaman, nakatakas si Menes noong Marso 27 at umalis sa kampo gamit ang isang kotse na hiniram niya sa kanyang subordinate na si Pat. Melvin Bojocan Barbo. Tumanggi si Menes na ibalik ang kotse, na nag-trigger ng search and recovery operation.

Makalipas ang dalawang araw, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad na nakita si Menes sa isang online betting station sa Sta. Mesa, Maynila. Pagdating ng mga pulis sa pinangyarihan, nalaman nilang hawak ng mga empleyado ng pasilidad si Menes dahil sa hindi pa nababayaran nito ang utang na umaabot sa PHP15,000.

Nang tanungin tungkol sa sasakyan, sinabi ni Menes sa mga imbestigador ng pulisya na iniwan niya ito sa Tondo, Maynila.

Pinuntahan ng pulisya ang lugar sa Tondo noong Huwebes ng madaling araw at natagpuan ang sasakyan na hiniram niya sa baguhang pulis.

Lumalabas sa karagdagang imbestigasyon na isinangla ng suspek ang kotse sa isang Angel Robert Maximo sa halagang PHP170,000 na may interes na 1 porsiyento kada araw.

“Knowing fully that the vehicle is owned by a Commissioned Officer and gaining his trust and confidence, he (Maximo) accepted the offer and paid Lt. Menes, the said amount, who in turn, delivered the mortgage vehicle to him,” ayon sa report.

Kasunod nito ay inaresto si Menes at dinala pabalik sa kampo ng pulisya habang narekober ang sasakyan at ibinalik sa baguhang pulis.

Noong nakaraang buwan, hinimok ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos, ang lahat ng unit commander na siyasatin ang mga gadget ng kanilang mga nasasakupan upang matukoy ang mga nalululong sa ‘e-sabong.’

Photo credits: Philippine News Agency
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.