2 pulis huli sa akto ng pakikiapid, binaril ng kapwa pulis na tinorotot

0
1409

CALAMBA CITY, Laguna. Sugatan ang isang sarhento ng pulis matapos barilin ng isang Police Major habang sila ay nahuli sa akto na nagtatalik sa loob ng isang sports utility vehicle sa parking area ng isang mall sa lungsod na ito.

Sa unang imbestigasyon ng Calamba police station, kinilala ang suspek at itinago sa alyas na Sgt. Genesis, 37 taong gulang, may-asawa at naninirahan sa Barangay Majada out, Calamba City.

Nahuli sa akto ng nasabing Police Major habang nakikipagtalik ang kanyang asawang si Master Sergeant Megan kay Sgt. Genesis sa loob ng sasakyan sa isang parking area sa Canlubang, Calamba City.

Ayon sa mga ulat, matagal nang minamanmanan ng mga pulis na sina alyas Major Lyndon at Police Master Sergeant Maritoni ang kanilang mga asawa hinggil sa diumano ay bawal na relasyon ng mga ito.

Nang makatanggap sila ng tip na nasa parking area ng Carmel Mall sa Canlubang ang kanilang mga asawa, agad silang pumunta roon kung saan ay nakita nila ang SUV ng asawa ni Major Lyndon. Ng silipin nila ang loob ng sasakyang, nakita nila ang mga hubad na katawan ng dalawa at nagtatalik.

Ngunit agad na pinaandar ng mga suspek ang sasakyan at tinangka pa silang sagasaan. Matapos ang madugong habulan nakorner ang mga suspek at nagtangkang tumakas si Sgt. Genesis kung kaya binaril siya ni Major Lyndon sa binti at balikat. Naisugod naman siya sa Global Medical Center ng iba pang pulis na remesponde.

Samantala, iniutos ni Police Col. Gauvin Yamashita Unos, direktor ng Laguna Police Office ang malalimang imbestigasyon hinggil sa insidenteng ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.