Pulis, napatay ng naghurumentadong magsasaka

0
282

Bauan, Batangas.  Isang pulis na rumesponde sa isang kaguluhan ang napatay sa saksak ng isang magsasaka sa Barangay San Leonardo, bayang ito, bandang 10.30 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Reynan Manalo, 32, may-asawa at nakatalaga sa Bauan police station. 

Ayon sa report ng Bauan police office, nakatanggap ng tawag ang patrol group ni Manalo kasama ang dalawa pang pulis hinggil sa isang magsasaka na naghuhurumentado at armado ng patalim.

Inabutan ng patrol group ang suspek na si Jollyben Montoya, 36 anyos na nagwawala sa gitna ng kalsada at may hawak na patalim.

Ayon sa mga nakasaksi, kinausap ni Montoya ang naghuhurumentadong si Manalo upang payapain ito ngunit inundayan siya nito ng saksak sa dibidb na agad nyang ikinamatay.

Pinagbabaril naman ng dalawa pang kasamang pulis si Montoya at napatay din.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.