Pulis, naputukan ng sariling baril

0
205

LIPA CITY, Batangas. Isinugod sa ospital ang isang pulis mula sa Batangas Police Provincial Office matapos na pumutok ang baril sa loob ng bag na kanyang dala at tumama sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Kipkip ng pulis ng bag sa ilalim ng kanyang kili-kili ang bag na may 9mm na baril sa loob nang biglang pumutok ito habang pinupulot niya ang isa pang bag na nahulog, ayon sa ulat na ipinadala kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, director ng Police Regional Office Calabarzon.

“Ang subject person natin ay nasa proseso ng pakikipag-transaksyon sa palitan ng kanilang mga sasakyan. Kaya pagkatapos ng transaksyon, nag-aayos na sila, kaya inililipat niya na ang kanyang mga gamit mula sa lumang sasakyan niya patungo sa bagong sasakyan, nang biglang mahulog ang isang sling bag, at ito ay kanyang pinulot,” ayon kay PCAPT. Ricardo Cuevas, punong imbestigador ng Lipa City Police Station.

Sinabi ni Cuevas na posibleng may ibang bagay sa loob ng bag na nakatama sa gatilyo ng baril.

Ang nasugatang pulis ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Lipa City.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.