Pulis nasugatan sa drug bust sa Rizal

0
281

Tanay, Rizal. Sugatan ang isang pulis na naka-sibilyan kahapon ng arestuhin ang isang tricycle driver matapos masaksihan ang bilihan ng iligal na droga sa bayang ito sa lalawigan ng Rizal.

Iniulat ng pulisya ng rehiyon 4-A kahapon, na ang isang operatiba na nagngangalang “Corporal Ramos” ay nasa surveillance mission bandang 5:30 ng hapon sakay ng tricycle na minamaneho ni Allan Babas sa Barangay Tandang Kutyo.

Biglang huminto ang tricycle driver sa gilid ng kalsada kung saan ay lumitawa ang isang hindi pa nakikilalang lalaki. Nagbilihan ng ilegal na droga ang dalawa na si Babas ang seller.

Agad na hinawakan ng pulis ang mga kamay ni Babas at nagpakilalang pulis at sa tagpong ito ay tumakas ang buyer dala ang shabu.

Ayon sa ulat, kumuha ng bolo si Babas sa kanyang tricycle at tinaga at sinaksak ang arresting officer.

Agad na inilabas ng pulis ang kanyang baril at binaril si Babas, na tinamaan sa kaliwang paa. Dinala ang sugatang suspek sa pinakamalapit na ospital upang malapatan ng lunas.

Samantala, hindi nagtamo ng malubhang pinsala ang pulis, ayon sa report.

Nahaharap si Babas sa kasong illegal possession of a bladed weapon, direct assault sa isang person in authority, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.