Pumanaw na ang beteranong mamamahayag na si Fred Lobo

0
410

Natagpuang patay sa loob ng kanyang condominium unit sa Malate, Maynila noong Lunes ang beteranong mamamahayag at dating presidente ng National Press Club (NPC) na si Alfred “Fred” Lobo. 

Ang pagpanaw ni Lobo ay ibinalita sa isang Facebook post ng NPC kahapon.

“THE National Press Club of the Philippines (NPC), joins the family and friends in mourning the passing of veteran newsman Alfredo ‘Fred’ Lobo, who was found dead inside his condominium unit in Malate, Manila last June 13, 2022.

Mr. Lobo was NPC President for 3 consecutive terms, from 1995 to 1998 and has served the Club with honor and distinction. An amiable person, he was fondly remembered as ‘Mr. Last Question’ during the press conferences in Malacañan, especially during the term of Pres. Fidel Ramos. Our sincerest condolences to his bereaved family and friends,” ayon sa Facebook post ng NPC.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang NPC tungkol sa kanyang pagkamatay.

Nagsilbi si Lobo bilang NPC president sa tatlong magkakasunod na termino, mula 1995 hanggang 1998.

Si Lobo ay dating Malacañang reporter para sa Manila Bulletin.

Naglingkod din siya bilang pangulo ng Confederation of the Association of Southeast Asian Nations Journalists.

Isa rin siyang certified public accountant at multi-awarded na makata.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.