Pumanaw na si Joma Sison

0
303

Namatay noong Biyernes ng gabi sa edad na 83 ang self-exiled na lider ng komunista ng Pilipinas na si Jose Maria Sison matapos ang dalawang linggo ng pamamalagi sa isang ospital sa Netherlands, ayon sa kanyang partido na Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) kahapon.

Si Sison ang nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, na ang military wing ay New People’s Army (NPA) na naglunsad ng armadong rebelyon sa isa sa pinakamatagal nang insurhensiya sa mundo.

Ang self-exiled communist lider ay nanirahan sa Europe mula noong huling bahagi ng 1980s, matapos siyang palayain mula sa kulungan kasunod ng pagbagsak ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Si Sison ay inilagay sa listahan ng mga terorista ng U.S. noong 2002, na pumigil sa kanya sa paglalakbay.

Sinabi ng partido na mapayapang namatay si Sison bandang 8:40 p.m. (1240 GMT) noong Biyernes matapos ma-confine sa ospital sa Utrecht. Hindi ito nagbigay ng dahilan kung bakit naospital si Sison.

Sa kasagsagan nito, ang BHB ay mayroong 25,000 armadong mandirigma, ngunit ngayon ay may humigit-kumulang na 2,000 na lamang, ayon sa militar.

Kasunod ng pagkamatay ni Sison, nanawagan ang Department of National Defense (DND) sa “natitirang ilang mananampalataya … (na) talikuran ang marahas at huwad na ideolohiya” ng Partido Komunista.

“The greatest stumbling block of peace for the Philippines is gone; let us now give peace a chance,” ayon sa statement ng DND. (Photo credits: Reuters)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.