Pumasok ang LPA sa PAR kahapon; malamang na maging tropical depression

0
420

Inaasahang papasok ang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) kagabi at posibleng maging tropical depression pagkaraan ng anim na araw.

Sa 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakita ang LPA sa layong 1,285 kilometro silangan ng Mindanao kaninang alas-3 ng umaga.

Ayo kay Benison Estareja ng PAGASA, kapag nasa loob na ng PAR, inaasahang mananatili ang LPA sa Philippine Sea saka dahan-dahang tatawid sa silangan ng Visayas at Mindanao sa Huwebes.

“So, the crucial part is Thursday or Friday where there is a likely chance for this LPA, or worst case scenario, this tropical depression will cross Bicol region or central and northern Luzon,” ayon sa kanya.

Bagaman at nasa labas pa ng PAR, ang trough ng LPA ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands, ayon sa weather bureau.

Ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng hangin mula sa hilagang-silangan.

Ang Rehiyon ng Ilocos at Gitnang Luzon ay magkakaroon ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dulot din ng hanging mula sa hilagang-silangan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng LPA at localized thunderstorms.

Ang Luzon at silangang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa maalon na tubig sa baybayin dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na hangin hilagang-silangan.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran at banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo