Pumusta si PBBM sa tagumpay ng binuksang  ‘Kadiwa ng Pasko’

0
331

Nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Sabado na ang “Kadiwa ng Pasko” na proyekto ay magiging isang tagumpay para sa mga supplier at mga mamimili na laging naghahanap ng sariwa at abot-kayang produktong agri-fishery.

Sa isang video message sa paglulunsad ng event sa Rasac Covered Court sa Santa Cruz, Manila, pinasalamatan ni Marcos ang mga supplier na lumahok sa trial run ng proyekto.

“Nais kong batiin ang ating mga seller sa ating Kadiwa ng Pasko na trial run. Maraming maraming salamat at kayo ay nakilahok dito sa aming bagong programa na sana, ‘pagka ito ay lumawak at dumami, ay makakatulong sa taumbayan, lalong-lalo na at papasok na tayo ng Pasko,” ayon kay Marcos.

Ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Marcos ang nangungunang ahensya ng programa na nagbebenta ng mga produktong agri-fishery ng mga lokal na magsasaka at mangingisda at tumulong sa pagtugon sa mga pagtaas ng presyo kaugnay sa panahon ng Pasko.

Labintatlong kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region ang inimbitahan na magbenta ng mga gulay, prutas, isda, itlog, bigas, at dairy products, ayon sa Philippine Information Agency.

Labing-isang Young Farmers Challenge awardees noong 2021 at 2022 mula sa CAR at Central Luzon ay nagpapakita rin ng kanilang mga produkto.

Ang Sugar Regulatory Administration ay inatasan na magbenta ng asukal na may label na “BBM” sa halagang PHP70 kada kilo habang ang Department of Trade and Industry ay nag-imbita ng mga lokal na micro, small, at medium enterprises na magbenta ng mga de latang paninda, keso, tinapay, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ang programang Kadiwa ng Pasko ay ipatutupad sa iba pang lugar sa Metro Manila at malamang na palawakin pa para mapabilang ang iba pang rehiyon.

Sa Maynila, ito ay gaganapin tuwing weekend ng Nobyembre.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo