Punong pamana sa mga public schools, pangangalagaan ng DepEd

0
282

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) para sa proteksyon at pangangalaga ng heritage trees sa mga paaralang pampubliko at sa promosyon ng halagang pang edukasyon ng mga ito, sa ika 64 na yugto ng “Stories for a Better Normal: Philippine’s Heritage Trees in Schools na tinalakay sa isang zoom meeting na isinagawa kanina.

“It is always a good opportunity for DepEd and for us educators to bring environmental education to homes and communities. Our country has been blessed with enormous biodiversity, and our heritage trees are one of our national treasures. We must appreciate and teach our young generation on how to further protect it,” ayon kay Secretary Leonor Magtolis Briones.

Ibinahagi ni Adolf P. Aguilar, chief ng Bureau of Learner Support Services – Youth Formation Division (BLSS-YFD) ang kahalagahan ng environmental education at ang mga paraan kung paano itataguyod ng DEpEd ang  konsepto ng biodiversity sa mga kabataan ngayong panahon ng epidemya.

“Kaya ang YES-O, National Greening Program (NGP) namin, Gulayan sa Paaralan sa DepEd, ay dito na namin dinadala ang advocacy at pag-create ng mga immediate actions for the environment. Ang YFD ay patuloy lamang sa pag-promote ng mga advocacies na ito para sa kalikasan,” ayon kay Aguilar.

Iniharap din ng BLSS-YFD ang NGP hinggil sa “Search for Heritage Trees” sa mga public school, isang programa na naglalayong mapanumbalik ang imbentaryo ng mga punong pamana sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa. Pangunahing misyon din nito ang pagpapatindi ng pangangalaga sa kalikasan,  dagdag pa ni Aguilar.

Ang ginanap na online discussion ay sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Deputy Speaker Legarda at ng Climate Change Commission at sa suporta ng Department of Education, Philippine Information Agency, Institute for Climate and Sustainable Cities, The Climate Reality Project-Philippines at ng Mother Earth Foundation.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.