Putin: Rubles lamang ang tatanggapin ng Russia mula sa Europe bilang bayad sa gas

0
329

Sinabi ni Pangulong Vladimir Putin kahapon na tatanggapin lamang ang Russia ng mga bayad sa gas sa perang ruble mula sa mga “unfriendly countries,” na kinabibilangan ng lahat ng miyembro ng EU, matapos makaranas ang nabanggit na bansa ng mga sanctions dahil sa pag atake nito sa Ukraine.

“I have decided to implement a set of measures to transfer payment for our gas supplies to unfriendly countries into Russian rubles,” ayon kay Putin sa isang televised government meeting, na iniutos na ipatupad ang mga pagbabago sa loob ng linggong ito.

Sinabi niya na ang Russia ay titigil sa pagtanggap ng mga bayad ng mga “compromised” na pera.

“Russia will continue supplying gas in the volumes fixed in earlier contracts,”  dagdag ni Putin.

Inilarawan din ni Putin bilang “illegitimate” ang pagpi-freeze ng mga ari-arian ng Russia sa ibang bansa.

Sinabi niya na ang Estados Unidos at ang European Union ay nagdeklara ng “real default”  sa kanilang mga obligasyon sa Russia.

Kaagad pagkatapos ng anunsyo, ang ruble ay lumakas laban sa US dollars at euro.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.