Q2 nat’l earthquake drill itinakda sa Hunyo 9

0
303

Ibinalita ng Office of Civil Defense (OCD) kanina na ang second quarter online National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ay gaganapin sa Hunyo 9.

Ang  evacuation part ng second online NSED ay hindi pa rin pinapayagan dahil sa pandemya ng Covid-19, ayon sa OCD.

Ang second quarter NSED ay mapapanood ng live stream sa Civil Defense PH at NDRRMC Facebook pages at YouTube channels.

Noong 2021, ang NSED para sa una at ikalawang quarter ay ginanap noong Marso 11 at Hunyo 10. Ang third quarter national earthquake drill ay ginawa noong Setyembre 16 habang ang fourth quarter drill ay noong Nobyembre 11.

“Muling inaaanyayahan ang sambayanan na makilahok sa second quarter online NSED, sa ika-9 ng Hunyo 2022, alas nuwebe nang umaga. Magsisimula ang programa ng alas otso. Sabay-sabay tayong mag-duck, cover, and hold sa pagtunog ng sirena,” ayon sa ODC sa Facebook post nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.