Rabies Free City By 2023 sa San Pablo, aktibong itinutulak

0
378

San Pablo City, Laguna. Patuloy ang panghuhuli ng mga pusa at asong kalye sa lungsod na ito sang ayon sa “Anti-Rabies Act of 2007” tungo sa “Rabies Free San Pablo City by 2023.”

Layunin ng programang ito na mapanatiling ligtas ang publiko laban sa kagat ng aso sa mga kalye, ayon kay San Pablo City Veterinarian Fara Jayne Orsolino, sa isang panayam ng Tutubi News Magazine.

“San Pablo City Veterinary Office (SPCVO) reiterates its commitment to the control and elimination of animal and human rabies cases as San Pablo City Local Government lead by Mayor Vicente B. Amante aim for a Rabies Free City by 2030,” ayon kay Orsolino.

Ang rabies mula sa kagat ng aso ay maaaring mauwi sa cerebral dysfunction, anxiety, confusion, agitation o kamatayan kung kaya at seryoso ang city veterinarian’s office sa programang Rabies Free City in 2023, ayon sa paliwanag ni Orsolino.

Kasabay nito ay nagpapaalala siya sa mga dog owners na maging responsable upang mabawasan ang mga stray dogs sa lungsod at maging ligtas ang mamamayan sa kagat ng aso.

Barangay Asot’ Pusa Habulan Project

Katulong ng SPCVO ang mga barangay chairmen sa proyektong “cat and dog free streets” sa San Pablo City. Sa Brgy. 6D, aktibo si Chairman Jeng Mendoza at ang kanyang mga konsehal at tanod sa gabi gabing paghabol at panghuhuli ng mga pusa at asong kalye. 

“Marami rami na din po kaming nahuhuling stray cats and dogs. Ang mga ito po ay iniipon namin sa barangay hall gamit ang mga kulungan na pinahiram ng ating City Veterinarian’s Office at itinatawag po namin sa kanila kapag pwede ng kunin at ilagay sa impounding facility kung saan po ang mga aso at pusa ay pinakakain ng sapat at nabibigyan ng tamang alaga,” ayon kay Mendoza.

Ipinaliwanag ni Mendoza na hangad nila na maging ligtas sa rabies at kagat ng aso ang kanilang mga kabarangay kaya’t tuloy tuloy ang kanilang panghuhuli hanggang Hunyo 2023.

“Ini spay or neuter po natin ang mga pusa at aso para hindi na sila dumami. Open po sila for adoption. Magsadya po lamang sa aming opisina kung nais tumingin ng mga cute na pusa at aso for adoption,” dagdag pa ni Orsolino.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.