Radio Anchor, pinatay habang naka-live sa Facebook, pinanood ng mga tagasunod

0
1008

CALAMBA, Misamis Occidental. Binaril ang napatay ang isang radio anchor kahapon na nasaksihan ng mga taong nanonood ng programa ng kanyang live streaming sa Facebook.

Nakapasok ang gunman sa bahay nakinalalagyan na istasyon ng radyo ng panlalawigang tagapagbalita na si Juan Jumalon sa pamamagitan matapos magpanggap na tagapakinig. Pagkatapos ay binaril niya ito nang dalawang beses habang nasa live sa pang umagang broadcast sa Calamba town sa lalawigan ng Misamis Occidental, ayon sa ulat ng pulisya.

Hinablot pa ang salarin ng gintong kwintas sa leeg ng biktima bago tumakas kasama ang isang pang suspek, na naghihintay sa labas ng bahay ni Jumalon, sakay ng isang motorsiklo.

Kasalukuyang nagsasagawa ng isang imbestigasyon upang matukoy ang gunman at alamin kung may kaugnayan ito sa trabaho.

Ang Pilipinas ay matagal nang itinuturing na isa sa mga pinakamapanganib na lugar para sa mga mamamahayag sa buong mundo.

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamaril at sinabi niyang iniutos niya sa Philippine National Police na hanapin, arestuhin, at litisin ang mga pumatay.

“Attacks on journalists will not be tolerated in our democracy and those who threaten the freedom of the press will face the full consequences of their actions,” ayon sa statement ni Marcos.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), bantay ng malayang pamamahayag, si Jumalon ay ang ika-199 na mamamahayag na pinaslang sa bansa mula noong 1986, nang magbalik ang demokrasya pagkatapos ng “People Power” na pag-aaklas na nagpabagsak Kay Ferdinand Marcos, ang ama ng kasalukuyang pangulo, at pinaalis ito at ang kanyang pamilya patungong Estados Unidos.

“Mas lalong kaduda-duda ang atake dahil nangyari ito sa mismong tahanan ni Jumalon, na siya ring ginamit na istasyon ng radyo,” ayon sa NUJP.

Sa isang video ng atake, makikita si Jumalon, 57, na nakasuot ng salamin, na tumigil at nag alis ng tingin sa kamera bago marinig ang dalawang putok. Natumba siya na duguan sa kanyang upuan habang tumutugtog ang isang background music. Idiniklara siyang patay habang dinala sa ospital.

Hindi nakita ang salarin sa Facebook livestream ngunit sinabi ng pulisya na kanilang sinusuri kung nag-record sa mga security camera na naka-install sa bahay at sa mga kapitbahay nito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo