Rail accident sa Quezon: 1 patay, isang sugatan

0
330

Lucena City, Quezon. Patay ang isang lalaki ng matapos masagasaan ng tren habang tumatawid sa riles kahapon ng umaga sa Brgy. Ibabang Iyam, lungsod na ito. 

Ang biktima ay kinilala ni PSMS Prime Chrysler Velarde ng Quezon Provincial Police Officena si Jose Rizo, 24 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang biktima na umalis ng bahay noon pang Hulyo 13 at hindi na nakauwi.

Ang biktima ay may diperensya sa pag- iisip, ayon pa rin kay Velarde.

Ayon sa isang testigo, biglang tumawid  si Rizo habang paparating na ang tren.

Sa bukod na insidente, isang 5 anyos na batang lalaki na kinilalang si John Deri ang nasa pagamutan ngayon matapos masagi ng bagon ng tren kahapon ng tanghali sa Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon. 

Ayon sa kapitbahay ng Anita Formentera, pinagsabihan niya ito at ang isa pang bata na huwag maglaro sa riles ng tren.

Nagulat na lamang mga residente sa lugar ng magsigawan ang maraming tambay sa lugar na nakakita sa pangyayari.

Nagpapagaling pa sa ospital ang biktima.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.