Rambol ng magkapitbahay sa Laguna: 1 patay, 2 kritikal

0
318

VICTORIA, Laguna. Nagresulta sa pagkamatay ng isang 32 anyos na lalaki ang rambol na naganap sa pagitan ng mga kapitbahay sa Sitio Lobo, Brgy. San Roque, sa bayang ito sa Laguna. Ang insidente ay naganap noong Linggo ng gabi kung saan pinasok ng kapitbahay ang biktima sa kanyang bahay at sinaksak.

Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Wanper Masilungan, may asawa at residente ng nasabing lugar. Ayon kay Police Captain Desiree Pasta, hepe ng Victoria Municipal Police Station, agad namagn nahuli ang suspek na si Aldrin Talla, 28 anyos, may asawa, na kapitbahay at dating barkada ni Masilungan.

Nangangamba naman sa kalagayan ngayon ang kapatid ng biktima na si Bimbo at isa pang menor de edad na lalaki na naipit sa rambol at kasama ni Masilungan sa pananaksak ni Talla. Ang dalawa ay nasa kritikal na kondisyon ngayon.

Ayon sa mga ulat mula sa Victoria PNP, matagal nang may alitan ang biktima at ang suspek na nagbunga ng pagsalakay ni Talla kay Masilungan sa loob ng kanyang tahanan habang ito’y natutulog. 

Sinubukan ng kapatid na si Bimbo na tulungan ang kanyang kuya, ngunit hindi rin siya nakaligtas at tinurukan din ng saksak ni Talla, kasama ang isang 10 taong gulang na menor de edad na nadamay sa insidente.

Agad na dinala sa ospital si Masilungan, ngunit idineklara itong patay sa pagdating sa mga doktor.

Kakaharapin ng suspek ang mga kaso ng pagpatay at double frustrated murder ayon sa piskalya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong dahilan at mga detalye ng nasabing rambol.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.