MAYNILA — Nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo ang isang Low Pressure Area (LPA) na, kapag nag-develop, tatawagin ito ng PAGASA bilang bagyong “Ramil.”
Ayon sa ulat ng PAGASA, namataan ang nasabing LPA dakong alas tres ng kahapon sa layong humigit-kumulang 1,765 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.
Sinabi ni Chenel Dominguez, weather specialist ng PAGASA, na mataas ang tsansa na ang LPA ay maging isang tropikal system sa loob ng 24 hanggang 48 oras, at maaaring pumasok sa PAR bandang Oktubre 16 o 17 kung magpapatuloy ang pag-unlad nito.
Inihahanda ng mga eksperto ang posibilidad ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kapag pumasok ang bagyo, ngunit may ilang ulat na nagsasabing hindi naman malalawak ang inaasahang epekto kung hindi lito alakas nang husto. Pinapayuhan ang publiko na mamalaging updated sa mga pahayag ng PAGASA at maghanda laban sa posibleng pag-ulan at pagtaas ng tubig.
Ang pangalang Ramil ay bahagi ng regular na listahan ng lokal na pangalan para sa mga tropical cyclone ng PAGASA ito ang magiging ika-18 na bagyo ng taon kung tuluyang maitatala sa loob ng PAR.
Para sa pinakabagong ulat at posibleng advisory, sundan ang opisyal na pahayag ng PAGASA at lokal na pamahalaan.

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





