MAJAYJAY, Laguna. Umarangkada na sa pagrampa ang mga kabayong kalahok na binibisan ng makukulay na palamuti pati na rin ang hinete nito. Bahagi ito ng ikalawang araw ng pagriwang ng Anilinang Festival sa bayang ito na pinangunahan ni Mayor Romy P. Amorado at naging tagapagpakilala si Vice Mayor Ariel Argañosa.
Labing-isang magkakabayol ang nakilahok sa paligsahan sa pagrampa ng kabayo.
“Ako ay nagagalak sapagkat mas pinaganda nila ang bihis ng kanilang mga kabayo maging ang mga hinete nito, nagpapasalamat rin ako sa lahat ng mga kababayan natin na nakikisaya sa ating Anilinang festival,” ayon kay Amoranto.
“Sa atin pong mga magkakabayo, tayo po ay may malaking pag-asa sa buhay, kailangan po nating maging isang business-oriented sa ating pagsasaka. Malaki po ang pag-asa natin dahil tayo ay agricultural land, magsikap po lamang tayo,” ayon naman Konsehal Felix Arnuco na chairman ng committee on agriculture.
Nagwagi sa patimpalak sina Jerome Arsolacia, 1st placer; Lawhrence Esquillo,2nd placer at Jay Jared M. Contento, 3rd placer.
Tumanggap ng premyong P7,000.00 si Arsolacia habang tumanggap naman ng consolation prize ang iba pang kalahok.
Naging hirado si Police Maj. Jordan Aguilar sa nabangit na paligsahan.
Kevin Pamatmat
Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.