Rank 1 at 2 MWP sa Calabarzon nasakote ng Laguna PNP

0
362

Sta. Cruz, Laguna.  Arestado ang Rank No. 1 at No. 2 Regional Most Wanted Person ng CALABARZON sa magkahiwalay na operasyon ng Laguna Provincial Police Office (PPO).

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang mga akusado na sina alyas John na residente ng Majayjay, Laguna, alyas Dennis na residente ng Biñan City, Laguna.

Nasakote ang akusado sa kasong Qualified Statutory Rape si alyas John sa manhunt operation na ikinasa ng Majayjay Municipal Police Station (MPS) noong Nobyembre 17 sa Brgy. Olla, Majayjay, Laguna at nakumpisaka sa kanya ang isang .38 Revolver na kargado ng isang bala. Samatala inihahanda ng Majajay MPS ang mga kaukulang dokumento para sa hiwalay na kasong paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Nahuli ang akusadong rapist na si alyas Dennis matapos tugisin ng Biñan City Police Station kasama ang RIU4-A PIT Laguna PNP-IG noong Nobyembre 17, 2022 sa Brgy. Platero, Biñan City, Laguna.

Ang mga nadakip na akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga operating unit na humuli sa kanila.

“Sa pagkaaresto ng mga akusadong ito ay mabibigyang hustisya na ang kanilang na biktima at gusto ko pong ipaabot na hindi po titigil ang Laguna PNP sa mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas,” ayon kay Silvio.

Disclaimer: Ang mga pangalan ng suspek ay alyas lamang. Ang mga tunay na pangalan ng mga inarestong akusado ay hindi inilagay ng Laguna PNP sa police report upang ayon sa kanila ay maiwasan ang pagkalat ng maling balita sa social media.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.