Rank 6 MWP ng Laguna, arestado sa kasong 2 counts ng rape 

0
330

Bay, Laguna. Arestado sa bayang ito ang Rank no.6 Most Wanted Person ng Laguna sa ilalim ng manhunt operation na ikinasa ng Bay Municipal Police Station kahapon sa kasagsagan ng bagyong Paeng.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna Police Provincial Office ang akusado na si Manolito  D. Susana, construction worker at residente ng Bay, Laguna.

Ang akusado ay inaresto kagabi sa Brgy. Masaya, Bay, Laguna, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ave A. ZUrbito-Alba ng Regional Trial Court Branch 8, Calamba City, Laguna. Nahaharap ang akusado sa dalawang kaso ng Statutory Rape na walang inirerekomendang piyansa.

Ang inarestong akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bay Municipal Police Station.

“Ang maigting na implementasyon ng Pulisya ng Laguna laban sa mga wanted person ay patuloy na ipinatutupad kahit sa panahon na may sakuna at kalamidad. Makaasa ang ating mamamayan ng Laguna na  magpapatuloy ang serbisyo ng Laguna PNP sa anumang uri ng panahon, para sa kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng Lalawigan,” ayon sa mensahe ni SIlvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.