Rapid response team ng DFA, tutulungan ang mga Pinoy sa Sri Lanka

0
284

Bumuo ng rapid response team ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang tulungan ang mga Pilipinong humihingi ng saklolo upang makauwi mula sa Sri Lanka na kasalukuyang dumaranas ng matinding krisis sa ekonomiya ngayon, ayon Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola kahapon.

Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni Arriola na hindi bababa sa 25 sa 492 na mga Pilipino sa Sri Lanka ang naapektuhan ng krisis ang humiling na mapauwi. Siyam sa kanila ay mga anak ng mga Pilipinong kasal sa mga Sri Lankan.

Darating sa Bangladesh ang isang team mula sa Philippine Embassy sa Hunyo 2 na susundan ng pagdating ng mga tauhan ng DFA mula sa home office sa susunod na linggo.

Upang makapagbigay ng agarang tulong, maglalaan ang DFA ng hindi bababa sa USD300 na tulong pinansyal sa bawat Pilipinong nangangailangan.

“We stand ready to bring them home,” ayon kay Ariola.

Sa gitna ng krisis sa ekonomiya ng bansa sa Colombo, Sri Lanka, ang mga tao ay nag aagawan sa isang pakete ng mga biskwit mula sa isang libreng distributor, habang nakapila para bumili ng kerosene malapit sa isang istasyon ng gasolinahan na Ceylon Petroleum Corporation. Photo Credits: Dinuka Liyanawatte. The Hindu Business Line
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.