Rapist, arestado sa “Pabili Nga po” program ng PNP

0
485

Taytay, Rizal.  Inaresto ang rank 4 Most Wanted Person sa Calabarzon na may tatlong kaso ng rape sa isang drug buy-bust operations noong Pebrero 5 sa Cauayan City Airport Isabela.

Si Eldie de Leon, 35 anyos na residente ng Brgy. Imatong, Oililia, Rizal ay dinakip ng mga tauhan ng Pililla Police Municipal Station (MPS) sa pamumuno ni PMaj Florante D. Yu kasama ang mga elemento ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) ng Isabela at Aviation Security Group Unit 2.

Sa ilalim ng programang “Pabili Nga Po” ng Philippine National Police (PNP) nakakuha ng paunang impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga awtoridad hinggil sa pinagtataguan ng suspek kung saan ay isinagawa ang manhunt operations sa Brgy. Marikit, Palanan, Isabela.

Si de Leon ay kasalukuyang nakapiit sa Pililla MPS habang inaabisuhan ang korte kung saan ay nakasampa ang tatlong kaso ng rape laban sa kanya, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Director PCol Dominic L. Baccay kay  Police Regional Director Calabarzon PBGen Antonio C.Yarra.

“Muling napatunayan ang pagkakaisa at pagtutulungna ng mamamayan at pulisya ay epektibong paraan ng pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa buong probinsya,” ayon kay Baccay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.