Rapist, killer ng 5 anyos na batang babae, nakakulong na

0
658

Batangas City. Nakakulong na sa Batangas City Police Office (COP) lock-up cell ang suspek na gumahasa at pumatay sa limang taong gulang na batang babae sa Brgy. Wawa, lungsod na ito.

Ang suspek na si Mc Nair Villanueva, 23 anyos na pinaniniwalaang isang drug addict ay inaresto matapos makakita ang mga pulis ng mga patak ng dugo sa sahig ng kanyang bahay na malapit sa lugar kung saan ay nakita ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang garbage bag.

Nauna dito, inireport ng mga concerned citizens sa Batangas COP ang nakitang bangkay ng biktima sa isang basurahan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.