Rapist na pulis, dinakip ng mga elemento ng Laguna Police Provincial Office

0
218

Sta. Maria, Laguna.  Inaresto ng PNP Laguna Intelligence group ang isang bagitong pulis na gumahasa sa isang 14 anyos na dalagita noong Biyernes ng gabi sa bayang ito.

Kinilala ni Laguna PNP provincial director P/Col. Rogarth Bulalacao Campo ang suspect na si John Mari Lontoc, 26, binata at nakatalaga sa Sta Maria police station. 

Si Lontoc ay kinilala at itinuro ng kanyang biktimang 14 anyos at tiniyak na ito ang gumahasa kanya.

Ayon sa salaysay ng biktima. Nakainuman ng kanyang ama si Lontoc at nakitulog ito sa kanil. Madaling araw noong Biyernes ay pumasok ang suspek na pulis sa kwarto ng biktima at nagbanta na papatayin siya kapag sumigaw o nanlaban.

Pagkatapos isagawa ang panghahalay ay mabilis na umalis ang pulis at naiwan nito ang kanyang bag at baril.

Agad na nagsumbong ang dalagita sa kanyang ina na agad nagtungo sa himpilan ng pulisya at nagsampa ng reklamo laban kay Lontoc.

Agad namang iniutos ni PNP Chief Dionardo Carlos, chief na Laguna PNP ang pagdakip sa suspek na pulis. 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.