Rapist na wanted sa Mindanao, timbog sa Laguna

0
195

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang most wanted person sa regional level, sa kasong rape sa isang joint manhunt operation kahapon sa Calamba City, Laguna. 

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, direktor ng Laguna Police Provincial Office ang akusado na si alyas Thata, residente ng Calamba City at tubong Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Milany E. Martirez, hepe ng Calamba City Police Station (CPS), isinagawa ng Calamba CPS at San Pablo City Police Station ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inilabas ng Regional Trial Court Branch 22, 9th Judicial Region, Pagadian City, noong June 20, 2018, na walang nirerekomendang piyansa.

“I commend our personnel’s efforts in this operation. Hindi natin hahayaan na maging taguan o pugad ng mga criminal ang ating nasasakupan. Paiigtingin pa ng Laguna PNP ang operasyon laban sa kriminalidad upang masiguro ang pagkahuli ang mga gumawa ng krimen sa labas man o sa loob ng probinsya,” ayon kay Silvio.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.