Liliw, Laguna. Bibigyan ng tulong pabahay ng Rotary Club of Alabang Business Park sa pakikipagtulungan sa Green Party Philippines (GPP) at ng pamahalaang lokal ng bayang ito ang 14 na pamilyang nawalan ng tirahan matapos maipagbili ng may ari ang lupang kinatatayuan ng kanilang mga bahay.
Nagsagawa ng ocular inspection sa dalawang lugar ng posibleng relocation site sina Danny Carandang at David D’ Angelo ng GPP, John Montenegro ng United Filipino Movement Consumers Cooperatives (UFMCC), RJ Castro, Chief Visionary Officer ng UFMCC kasama ang mga officer ng nabanggit na Rotary Club at ang buong sanggunian ng barangay ng mga lugar na binisita.
Ang nabanggit na proyekto ay inisyatibo nina Deuz Luzande, Provincial Convenor ng Green Party of the Philippines at Brgy.Chairman Tirso Buenconsejo ng Brgy.Bayate Liliw lalawigan ito.
Samantala, namahagi ng ayuda sa 14 na pamilya ang lokal na pamahalaan ng liliw sa pangunguna ni Mayor Ericson Sulibit at Mary Maileen Sulibit kasama ang MSWD.
Nang halagang limang libong piso sa 14 naman pamilya. Na magagamit naman nilang panimula upang makapagtayo ng kanilang pansamantalng tahanan habang hininhintay ang gagawing pabahay ng Rotary Club of Madrigal Business Park at ng UFMCC.
Kevin Pamatmat
Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.