Sta. Cruz, Laguna. Bumisita ngayong araw sa Laguna Police Provincial Office (PPO) si Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON.
Sa kanyang command visit, sinalubong siya ng mga tauhan ng pulisya ng Laguna PPO sa pangunguna ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO.
Kasabay nito ay binasbasan ni Rev. Fr. Uriel Umali, Immaculate Conception Parish Sta Cruz, Laguna ang bagong renovate na female barracks.
Ang mga karapat-dapat na pulis ay kinilala din ni Nartatez upang bigyan ng moral ang mga masisipag na tauhan ng PNP at sinundan ng “talked to the men and women” ng Laguna PPO na sinundan ng isang command conference sa Multi Purpose Hall.
Sa kanyang paggabay, nagpaalala si Nartatez sa lahat ng hepe ng pulisya ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa Laguna na ipagpatuloy ang pakikipag ugnayan sa mga LGU, Punong barangay, obispo o pinuno ng iba’t ibang relihiyon na nakabatay sa organisasyon. Inatasan niya ang mga COP na i-account ang lahat ng PUPC sa kani-kanilang AOR, kalinisan sa kampo / istasyon, dumalo sa misa o pumunta sa iba’t ibang simbahan tuwing Linggo at suportahan ang social media page ng PRO4A.
Ipinahayag din ni Nartatez ang kanyang 7 point Agenda na nakaangkla sa peace and security framework ni PNP Chief Gen Rodolfo S. Azurin na M + K + K = K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.