Rebuilding Lives: Mga dating rebelde sa Laguna tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DOLE

0
537

Walong Former Rebel (FR) mula sa Laguna ang nakinabang ng livelihood packages mula sa Department of Labor and Employment Laguna (DOLE) Laguna sa isang simpleng hand-over of benefits ceremony na ginanap sa Hqs, 202nd Infantry (Unifier) ​​Brigade, Brgy West Talaongan, Cavinti, Laguna , noong Marso 15, 2022.

Pinangunahan ni DOLE Laguna Provincial Director Guido R. Recio ang pagbibigay ng livelihood grant na nagkakahalaga ng PhP30,000.00 sa bawat FR kasama si Ms. Maricar A. Palacol, focal person ng Laguna Peace and Order Council na kumakatawan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, at Brigadier General Cerilo C Balaoro Jr, Commander, 202nd Infantry (Unifier) ​​Brigade.

Ang livelihood grants ay karagdagang benepisyo bukod sa mga natanggap na nila sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Ang interbensyon na ito ay resulta ng consultative meeting ng Laguna Provincial Task Force ELCAC (PTF-ELCAC) partikular ang PRLEC cluster na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karagdagang sustainable sources of income.

Si Alyas Aloma, isa sa mga nakatanggap, ay nagpahayag ng kanyang lubos na pasasalamat kasama ang iba pang mga FR sa gobyerno sa karagdagang tulong na kanilang natanggap. Tiniyak niya sa mga opisyal ng gobyerno na naroroon ang kanilang kooperasyon sa lahat ng kanilang pagsisikap sa kapayapaan at pag-unlad lalo na sa paghikayat sa kanilang mga dating kasamahan na magbalik loob na sa batas.

Sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, pinapurihan ni Palacol, ang focal person ng Provincial Peace and Order Council ang mga miyembrong ahensya ng Provincial Task Force ELCAC sa naging makabuluhan at matagumpay ang aktibidad. “Ang tulong na ibinigay sa mga dating rebelde ay nagpapakita ng pagtutulungan ng yunit ng pamahalaang panlalawigan at iba’t ibang linya ng ahensya ng pamahalaan na may layuning magtatag ng mapayapang kapaligirang nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya,” ayon sa kanya.

Pinuri naman ni Balaoro Jr. ang DOLE Laguna at Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa walang sawang pangako sa muling pagtatayo ng buhay ng mga dating rebelde. “Ang tulong na ibinibigay ng gobyerno ay hindi lang para sa kanila kundi para din sa kanilang mga pamilya at sa mismong komunidad. Sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, patuloy naming tutulungan ang mga FR na magsimula ng disente at mapayapang buhay kasama ang kanilang mga pamilya,” ayon sa kanyang mensahe.

Hinikayat din niya ang mga dating rebelde na maging tagapagsalita ng hakbanging ito upang makumbinsi ang mga natitirang miyembro ng NPA na bumalik sa batas at makibahagi sa panibagong buhay sa kanilang mga pamilya sa halip na ituloy ang landas sa karahasan.

Sinabi ni Recio na ang DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno ay nananatiling walang humpay sa kanilang pagsisikap sa paghahangad ng iisang adhikain sa pagtulong sa mga dating rebeldeng na makabalik sa kanilang normal na mapayapa at produktibong pamumuhay. Tiniyak niya na patuloy na tutulong ang kanilang ahensya hindi lamang sa mga dating rebelde kundi maging sa iba pang sektor na nangangailangan ng kanilang tulong.

Sa linyang ito, ang 202nd Brigade ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at non-government organization upang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga dating rebelde at reoriented na organisasyon ng mga cleared na barangay at organisasyong masa na apektado ng CTG.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.