Calapan City Oriental Mindoro. Idinaos kaninang umaga sa Calapan City, Oriental Mindoro ang karera ng mga bangka sa kabila ng banta ng oil spill sa lugar.
Nasa 40 bangka mula sa iba’t-ibang probinsya ang lumahok sa karera, na bahagi ng pagdiriwang ng Kalap Festival at ng ika-25 anibersaryo ng lungsod.
Ayon kay Calapan Mayor Malou Morillo, kontrolado naman ang oil spill na nakakaapekto na sa ilang barangay.
“Kahit tayo ay nagkaroon ng oil spill. Hindi na namin ito pwede itigil pa kasi ito ay inaasahan ng mga tao. The show must go on kasi naka-roll out na lahat,” ayon sa alkalde.
Bagaman at kontrolado, patuloy na naghahanda ang lokal na pamahalaan sakaling mas maraming langis pa ang lumutang sa karagatan ng lungsod, ayon kay Morillo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo