Regional Organic Agriculture Congress ng CALABARZON, idinaos sa Laguna

0
136

STA. CRUZ, Laguna. Idinaos ang Regional Organic Agriculture Congress – CALABARZON ROAC 2023 sa Laguna Sports Complex, Brgy. Bubukal, nitong ika-24 ng Oktubre 2023, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Laguna Governor Ramil Hernandez, katuwang ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Field Agricultural Services Extension-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAG).

Ang tema ng kaganapang ito ay “Kabuhayang OA Kinabukasang OK,” na naglalayong magtaguyod ng organikong pamamaraan sa pagsasaka upang mapanatili ang kalusugan ng tao, pangangalaga sa kalikasan, at magandang ani ng organikong gulay.

Nakiisa ang mga lokal at organic farmers mula sa buong CALABARZON, kasama ang Lalawigan ng Laguna. Isa sa mga highlight ng programa ay ang ribbon-cutting ceremony ng trade fair kung saan ipinamalas ng mga magsasaka ang kanilang mga produktong organiko mula sa kanilang mga probinsya.

Sa okasyon, nagbigay ng mga makabuluhang mensahe sina Provincial Administrator Dulce Rebanal, Provincial Agriculturist Marlon Tobias, Dir. Rolando Maningas mula sa DA-ATI CALABARZON, Dir. Milo Delos Reyes, CESE mula sa DA Region 4A, Dir. Bernadette San Juan ng National Organic Agriculture Program, at iba pang mga panauhin.

Lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon sa mga bagong kaalaman na natutunan nila sa kongreso. Ipinapakita nito ang halaga ng pagtutulungan ng mga sektor ng agrikultura at pangingisda sa pagsusulong ng organikong pamamaraan.

Inaasahan ng DA at mga lokal na pamahalaan na ang pagdiriwang na ito ay magbibigay ng inspirasyon sa mas marami pang mga magsasaka na itaguyod ang organikong pagsasaka sa kanilang mga komunidad.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.