Registered na babaeng botante sa PH, mas marami ng 1.5M kaysa lalaking botante

0
440

Region 4A ang may pinakamaraming bilang ng babaeng botante

Mas marami ng 1.5M ang rehistradong babaeng botante kaysa sa lalaking botante sa sa darating na halalan sa Mayo 9, ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Ipinakita ng Comelec’s Election Records and Statistics Division na sa 65,721,230 eligible voters sa bansa, 33,644,237 ang babae at 32,076,993 ang lalaki.

Sa kabuuan, ang Region 4-A ang may pinakamataas na bilang ng mga botante na may 9,192,205, ang 4,852,037 sa mga ito ay babae.

Pumangalawa ang National Capital Region (NCR) na may 7,301,393, (3,976,902 babae at 3,324,491 lalaki).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.