Rep. Fernandez: Senate probe sa war on drugs ni Bato, itinuturing na ‘conflict of interest’

0
171

MAYNILA. Malinaw na magkakaroon ng conflict of interest kung si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang mangunguna sa Senate inquiry hinggil sa digmaan laban sa droga sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ni Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng House Quad Committee. Ayon sa kanya, si Dela Rosa ay may mahalagang papel sa kampanya ng Duterte laban sa droga dahil siya ang naging hepe ng Philippine National Police (PNP) noong ipinatupad ito.

“Delicadeza na lang sana ang pairalin ni Sen. Bato. For me, it is highly inappropriate for him, the chief enforcer of the drug war, to lead a probe into the very operations he designed and implemented,” ani Fernandez.

Binigyang-diin pa niya na “As the architect of the war on drugs, Sen. Bato would be practically investigating himself. This undermines the integrity and objectivity of any findings that may result from this investigation.”

Samantala, unang sinabi ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., co-chair ng House Quad Committee, ang kanyang pagdududa sa kakayahan ni Dela Rosa na magsagawa ng patas na imbestigasyon.

“Maaaring makompromiso ang integridad ng sinasabing Senate probe,” ayon kay Abante.

“I would think that he (Dela Rosa) would be more biased than actually balanced in that hearing,” dagdag pa niya.

“An inquiry into the extrajudicial killings must be impartial, transparent and independent. Sen. Bato will have none of that since he is part of the personalities being investigated. This Senate investigation risks becoming a whitewash if its leadership is not changed,” pagtatapos pa nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.