Repat arrangement para sa mga Filipino sa Ukraine inihahanda ng DFA

0
169

Inihahanda ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilang repatriation arrangement para sa mga Filipino sa Ukraine sa gitna ng patuloy na tensyon at pangamba sa pagsalakay sa Eastern European State.

“The DFA is in close coordination with its Foreign Service Posts in the region on arrangements to bring home the Overseas Filipinos in Ukraine who may wish to return to the Philippines. The situation at Ukraine’s border remains fluid, and security conditions could change at any moment,” ayon sa statement nito kahapon.

Ayon naman sa Filipino community group na United Filipino Global Ukraine, pinayuhan na sila ng Philippine Embassy sa Warsaw na umalis sa European state habang kaya pa nila.

Sinabi ng DFA na ang mga talakayan ay patuloy na ginaganap sa Filipino community, gayundin sa iba pang gobyerno at international partners para tulungan ang mga Filipino national na gustong lumipat sa mas ligtas na mga lugar. Kabilang dito ang European Union upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga Pilipino sa mga border ng EU.

“We urge Filipinos in Ukraine to keep communication lines with the Philippine Embassy in Poland open, and wait for updates, bulletins, and safety instructions,” ayon sa DFA.

Ayon sa Filipino community group na United Filipino Global Ukraine (UFGU), pinayuhan na sila ng Philippine Embassy sa Warsaw na umalis sa European state habang kaya pa nila.

“[Ang] advice ng Embassy iisa lang daw at wala nang iba. ‘Umuwi daw ng Pilipinas habang puwede pa,’ ayon sa lider ng UFGU na si Shirley Santosildes batay aniya sa pinakahuling pakikipag pulong sa embahada.

Sinabi rin ni Shirley Santosildes na walong Pilipino na ang naka-avail ng libreng repatriation flight ng gobyerno, na ang pinakaunang flight ay nakatakdang umalis sa Pebrero 17.

Samantala, sinabi niya na ang sitwasyon sa Kyiv ay nananatiling normal at “napakapayapa” ngunit ang ilang mga Pilipino ay umalis na sa kabisera.

“At this time, everything is normal, everything in Kyiv is operational. The transportation it’s normal, the supermarket, everything, there’s no indication that there is conflict. But for now, we are all hoping that nothing like that will happen,”ayon pa rin kay Santosildes.

Humigit-kumulang na 380 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Ukraine, ayon sa pinakahuling datos mula sa DFA.

Photo credits: United Filipino Global Ukraine, Facebook
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.