‘Resbakuna sa Botika’ pinag iisipang isagawa sa labas ng NCR

0
189

Sisimulan ang pilot test sa “Resbakuna sa Botika” sa araw na ito, Enero 20, ayon kay Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon. Layunin ng gobyerno na palawakin ang inisyatiba sa pagbabakuna sa labas ng Metro Manila, ayon sa kanya.

Sa Laging Handa public briefing noong Miyerkules, sinabi ni Dizon na hangad ng gobyerno mag pilot test ng Covid-19 vaccination sa mga botika sa loob ng isang linggo bago palawakin ang pagsisikap na ito sa ibang bahagi ng bansa.

Tinukoy niya ang mga pangunahing botika sa Metro Manila na lalahok sa “Resbakuna sa Botika” na kinabibilangan ng The Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Healthway Clinic, Mercury Drug, Watsons, QualiMed, at Southstar Drug.

 “Bukas, apat na botika ang magbubukas sa Metro Manila at sa Biyernes, tatlo, kasama ang dalawang klinika. At sa mga susunod na linggo, palalawakin natin iyon. Ang layunin ay mailapit natin ang ating pagbabakuna sa ating mga kababayan para mas mabilis tayong mabakunahan at mas marami ang mabakunahan,” ayon sa kanya.

Nilinaw ni Dizon na booster shots lang ang ibibigay ng mga botika sa “Resbakuna sa Botika”.

Ang mga pharmacist ng mga drugstore ang magbibigay ng mga booster shot, dagdag pa niya.

Sinabi ni Dizon na papayagan din ang mga walk-in vaccinee na makakuha ng booster shots, ngunit kailangang sumailalim muna sila sa onsite registration.

“Libre po ito; walang bayad ito, kagaya na rin ng mga bakunahan natin sa mga LGU natin kaya wala pong problema ang ating mga kababayan dito at mas mapapadali pa sana sa kanila,” ayon sa kanya.

Nauna dito, sinabi ni NTF chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., na ang Resbakun Sa Botika ay gagawin sa iba pang lungsod sa labas ng NCR at sa iba pang rehiyon “batay sa readiness and safety inspections sa layuning mailapit sa publiko ang pagbibigay ng booster dose.”

Tutugunan din nito ang kakulangan ng mga vaccinators dahil tinatarget ng gobyerno ang hindi bababa sa 90 milyon na fully vaccinated sa kalagitnaan ng taon, dagdag niya.

‘RESBAKUNA SA BOTIKA’. Nagbigay ng kanyang mensahe si Trade Secretary Ramon Lopez sa paglulunsad ng “Resbakuna sa Botika” sa Southstar Drug branch sa Bayan-Bayanan Ave. sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kanina (Enero 20, 2022). Ang bagong inisyatiba sa bakuna ay naglalayong ilapit sa publiko ang pagbibigay ng booster dose. (Screenshot mula s
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.