Resort owner na gunrunner timbog sa Batangas CIDG

0
471

Taal, Batangas. Nakulong ang isang resort owner sa Taal matapos itong ng mga baril ng mga operatiba ng Batangas Criminal Investigation and Detection Group sa isang buy bust operation sa Brgy. Tatlong Maria, sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang suspect na si Vincent John Gumapac, 43 anyos na residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pahayag ni PCol. Benedict Poblete, Provincial o\Officer ng CIDG Batangas, isang asset ang pormal na nagsumbong sa kanilang tanggapan tungkol sa diumano ay lantarang pagbebenta ng suspect ng iba’t ibang matataas na kalibre ng baril.

Sa isinagawang raid sa resort na kinaroroonan ng bahay ng suspect, natuklasan sa loob ng kwarto ni Gumapac ang matataas na kalibre ng baril na naka display sa ibabaw ng mesa na nagsisilbing viewing gallery ng kanyang mga parukyano.

Idinagdag pa ni Poblete na sa uri at bilang ng mga baril, naniniwala sya na matagal ng nasa ganitong gawain si Gumapac na tila hindi apektado sa kanyang pagkakadakip.

Noong poposasan na ng mga pulis, nagpanggap pa ang suspek na isa siyang opisyal ng pulis sa Mindanao.

Nahaharap sa kasong illegal possession at usurpation of authority si Gumapac at kasalukuyang nakakulong sa Antipolo Drug enforcement Agency.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.