Resulta ng kauna-unahang digital Bar exams na lumabas na: 8,241 ang pumasa

0
175

Inilabas ng Korte Suprema kanina ang mga resulta ng 2020-21 Bar Examinations, ang unang digital na bar exams habang nananatili ang pandemya ng COVID-19.

Iniulat ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairperson ng mga pagsusulit, na 8,241 sa 11,402 ang pumasa. Katumbas ito ng passing rate na 72.28 percent.

Inihayag din ni Leonen na 14 na examinees ang kinilala para sa “excellent performance” para sa pagkakaroon ng mga markang higit sa 90%.

Ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay lumikha ng pinakamalaking bilang na mga mahuhusay na kumukuha ng exams, na sinundan ng Ateneo de Manila University (ADMU) at Unibersidad ng San Carlos (USC), na tig-dalawa.

Nakagawa din ang UP ng pinakamataas na bilang ng mga exemplary examinees sa 147, na sinundan ng ADMU sa 100, at San Beda University sa 94. Ang Arellano University ay may 59, habang ang USC ay gumawa ng 57.

Sa grupo ng mga pinakamalaking paaralan o mga may mahigit sa 100 na first-time na kumukuha, ADMU ang may pinakamataas na passing rate sa 99.6429%, na sinundan ng UP sa 98.8406%.

Ang San Beda sa 98.10%, USC sa 98%, at ang Unibersidad ng Santo Tomas Manila sa 93.05%.

Ang pinakahuling pagsusulit ay naisagawa pagkatapos ng halos dalawang taong paghihintay dahil sa pandaigdigang krisis sa kalusugan.

Nakatakda ang oath-taking ng pinakabagong batch ng mga abogado sa Mayo 2 sa SM Mall of Asia Arena.


Link ng istahan ng mga matagumpay na examinees na may Katangi-tanging Pagganap (sa alpabetikong pagkakasunud-sunod):

https://tinyurl.com/5497r83z

Umiiyak sa tuwa ang karamihan ng 2020-201 bar passers sa harap ng gusali ng Supreme Court of the Philippines. Photo credits: Screen grab mula sa PDI video

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.