Retiradong pulis pinagbabaril ng pamangkin

0
43

KAWIT, Cavite. Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng kanyang pamangkin habang sila ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa Brgy. San Sebastian.

Kinilala ang biktima na si alyas Reynaldo, may asawa, at residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat, naisugod pa siya sa Kalayaan Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang pamangkin ng biktima na si alyas Edwin, na tumakas matapos ang insidente.

Base sa ulat, naganap ang pamamaril bandang ala-1:05 ng madaling araw. Bago ang insidente, nag-iinuman ang biktima, suspek, at isa pa nilang kasama sa bahay. Sa hindi malamang dahilan, tumayo ang biktima at pumunta sa kanyang kotse. Sinundan siya ng kanyang pamangkin at walang awa siyang pinagbabinaril.

Tatlong basyo ng bala, isang bala na may magazine, at limang bala ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.