Rice millers: Presyo ng bigas inaasahang bababa ‘in 2-3 weeks’

0
156

Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa loob ng dalawang hanggang tatlong linggo, ayon sa mga miyembro ng asosasyon ng mga rice miller.

Ayon sa ulat, sinabi ni Elizabeth Vana, presidente ng Nueva Ecija Rice Millers Association, na ang pagbaba ng presyo ay resulta ng papalapit na panahon ng pag-aani ng palay.

“Inaasahan po natin na sa loob ng 2 hanggang 3 linggo, bababa po ito ng P2 hanggang P3. Ang pagbaba po ay magiging unti unti”

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Agriculture, ang kasalukuyang suplay ng bigas, na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, ay may presyong P55 kada kilo para sa regular na gilingang bigas at aabot ng P57 para sa well-milled na bigas.

Sinabi naman ni Roderico Sulit, miyembro ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement, na “naaapektuhan talaga ang kalidad ng bigas nila. Ito ang mga uri ng bigas na maaaring iniaalok ng ating mga kasamang nagtitinda.”

Bagamat ang average na presyo ng bigas ngayon ay P50 kada kilo, sinabi ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement na may mga mas murang de-kalidad na bigas na nagkakahalaga ng P38 kada kilo na maaring mabili sa ilang mga pamilihan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.