Riding in tandem na holduppers, natiklo ng Rizal PNP

0
546

Calamba City, Laguna. Nakaligtas ang isang Indian National sa tangkang panghoholdap dahil tulong ng isang pulis na off duty na nagkataon na nasa lugar ng insidente.

Ang mga suspek ay kinilala ni Cavite Police Provincial Police Office Director PCol Dominic L. Baccay na sina Jover de la Cruz at Marlon Cruz na pawang mga residente ng Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal. Kinilala naman ang biktima na si  Jalaf Ram, 41 anyos na Indian national. 

Batay sa paunang imbestigasyon, bandang alas onse ng tangahali noong Pebrero 2, nagsagawa ng panghoholdap sa kahabaan ng Sampaguita Street, Barangay Dalig, Antipolo City ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo ng tutukan ng mga ito ng baril si Ram ngunit humingi ito ng saklolo na narinig ni Pat. Lemuel Romualdez na nakatira sa tapat ng ng pinangyarihan ng insidente.

Agad na nilapitan ni Romualdez ang mga holdaper at ayon sa kanya ay tinangka siyang barilin ng isa at ilang ulit kinalabit ng isa ang gatilyo ng baril ngunit hindi pumutok. Sa tagpong ito ay nagpaputok na ng baril ang pulis upang pasukuin ang mga masasamang loob. Sa pag madadaling makatakas ay itinapon ng mga ito ang kanilang mga baril. 

Nadakip ni Romualdez ang isang suspek samantalang ang isa ay nakatakas ngunit agad ding nadakip din sa ilalim ng isinagawang manhunt operations ng mga tauhan ng Taytay Police Station. Nakuha sa lugar ng insidente ang isang kalibre .38 at isang baril barilan.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Taytay Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong Robbery Hold-up, ayon sa sa report ni Baccay kay Calabarzon Regional Director Eliseo DC Cruz.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.