RITM, tinitingnan bilang main isolation facility para sa mga kaso ng monkeypox

0
265

Magiging pangunahing isolation facility ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa suspect, probable, at confirmed monkeypox cases, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Sa isang mensahe ng Viber sa mga mamamahayag, ipinahayag ng DOH na ang Field Implementation and Coordination Team (FICT) at ang One Hospital Command Center (OHCC) ay kumikilos para sa partikular na pagtatalaga ng isolation facility na may prayoridad na tiyakin ang pagsunod sa mga kinakailangan.

Sinabi ng Department of Health na ipapatupad niro ang four-door strategy na balangkas ng National Emergency Operational Response Plan upang maiwasan at makontrol ang mga lumilitaw na nakakahawang sakit.

Ang FICT at ang OHCC ay dapat magtatalaga ng mga panrehiyong isolation facilities at mga ospital na mag aasikaso sa iba pang international points of entry.

Ang lahat ng mga ospital ng gobyerno ay dapat maghanda ng isang lugar para sa isolation at treatment facility kapag ang Doors 3 at 4 ay naisaaktibo na.

Nauna rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang mga global developments tungkol sa monkeypox habang pinaiigting nito ang border screening ng bansa.

Sinabi ng mga eksperto sa kalusugan na hindi nakamamatay ang monkeypox at mas madaling maiwasan ang pagkalat nito kumpara sa Covid-19.

Ang mga bakuna laban sa bulutong ay maaaring gamitin upang maiwasan ang monkeypox at may mga subok ng gamot.

Ang monkeypox ay nagsisimula sa lagnat, pagkatapos ay pangkalahatang pananakit ng katawan, karamdaman, at pananakit ng kalamnan na may mga unang sintomas na katulad ng influenza.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.