Silang, Cavite. Nagtulong sa pagbili ng construction materials ang Regional Mobile Force Battalion 4A (RMFB4A) at ang Philippine Association Of Medical Device Regulatory Affairs Professionals (PAMDRAP) para sa isang housing unit ng isang kapos-palad na pamilya sa ng CALABARZON region sa ilalim ng “Best Practice: RMFB4A’s “Project SILONG” and PROJECT “PAMDRAP PABAHAY” na may financial grant na Php Sixty-three thousand, six hundred sixty-five (Php 63,665.00).
Upang maisakatuparan ito, ang yunit na ikinakatawan ni PLTCOL AGOSTO M ASUNCION, Officer-In-Charge ng RMFB4A, ay pumirma ng Memorandum of Understanding sa Philippine Association of Medical Device Regulatory Affairs Professionals nai kinakatawan ni Rhoel Laderas RPh, Presidente. Saksi sina PCOL LEDON D MONTE, Provincial Director, QPPO, PCPT Ian Jasper M. Montoya, Company Commander, 401st A MC, PLT Gloria P. Baliuag, Chief BCAD Section, Jingle Diola, RPh, MBA, CSR Leas Advisor, Kaye Ann R. Casilang, RPh, Chairperson, PAMDRAP CSR at Emegrace J. Milan, RPh, MBA, CSR Co-Lead Advisor & Asst. Treasurer, PAMDRAP. Sila ay nagkasundo na magsasagawa ng mga aktibidad na sa komunidad sa pamamagitan ng sponsorship ng mga praktikal na mapagkukunan upang maisakatuparan ang mga programa ng magkabilang panig sa mga benepisyaryo sa mga natukoy na lugar.
Isang groundbreaking ceremony ang ginawa sa harap ng lote na pagtatayuan housing unit. Sinundan ito ng coastal clean-up sa tulong ng mga residente ng Sitio Talon, PAMDRAP Staff at mga tauhan ng RMFB4A.
Kabilang din sa mga platform ng inisyatiba ang PAMEdukasyong PangaRAP (Edukasyon) PAMDRAP Shares (Social Development) at Lingkod Ka-PAMDRAP (Environmental Sustainability) upang tumulong sa pagbibigay ng matibay na benepisyo para sa mga Pharmacy Scholars, mga mahihinang komunidad at bilang mga tagapangasiwa ng kapaligiran na nag panunumbalik ng ecological balance.
ng kalikasan.
“The goal is to continue the legacy that was started in providing humanitarian services to the underprivileged areas, calamity-struck areas and to help indigent families and indigenous people through the RMFB4A’s Best Practices,” ayon kay PLTCOL Asuncion sa kanyang mensahe.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.