Robredo na nagdaos ng pasasalamat para sa mga tagasuporta, volunteers

0
189

Nagsagawa ng thanksgiving event ngayon araw sa Ateneo de Manila University (AdMU) campus si Vice President Leni Robredo kasama ang buong Angat Buhay team.

Tinaguriang “Tayo ang Liwanag”, sinabi ni Robredo na ito ay upang ipaabot ang kanilang pasasalamat sa lahat ng kanilang mga tagasuporta at mga volunteers na kasama nila sa paglalakbay noong panahon ng kampanya.

Ipinahayag ang anunsyo VP Leni Robredo Facebook page kagabi, Huwebes ng hapon sa pagpapalit ng venue mula Liwasang Aurora sa Quezon City patungong AdMU.

Nag-live si Robredo sa Facebook at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta at nag boluntaryo sa panahon ng kampanya at nag-imbita sa kanila na dumalo sa nabanggit na kaganapan.

Binuksan din niya ang lahat ng mga regalong natanggap nila noong panahon ng kampanyahan.

“Gusto ko to ipakita kasi hindi ako nakapag pasalamat enough sa mga nagbibigay pero pinag-iisipan naming baka pwedeng yung iba ilagay natin sa museum, tapos yung iba ay, wala pa ano pa to up in the air, auction lalo na yung mga art work kasi pwede pangsimula natin for our Angat Buhay programs,” ayon kay Robredo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.