Inindorso kanina ng presidente ng Partido Reporma at Davao del Norte Representative na si Pantaleon Alvarez ang kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo sa darating na halalan sa Mayo 9.
Ang endorsement ay ipinahayag ni Alvarez matapos opisyal na magbitiw si presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson kanina bilang chairperson at miyembro ng Partido Reporma at tatakbo na ngayon bilang independent candidate.
Sinabi ni Alvarez na habang si Lacson ang “most qualified to be president”, aniya ay kasalukuyang may dalawang frontrunners sa presidential race, sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Robredo.
“We reasonably believe that the only realistic option at this point, with roughly a month and a half left, is to converge with Leni Robredo’s campaign. Together, we will pursue the realization of our collective aspirations to improve the chances of ordinary Filipinos at a better life,” ayon kay Alvarez.
Ayon sa kanya ay ikinakatawan ni Robredo ang mga mithiin na lubos na naaayon sa mga layunin ng partido, na “repormahin ang gobyerno at magbigay ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino”.
Sinabi ni Alvarez na kailangan ang “decisive action” na ilang buwan na lang ang natitira bago sumapit ang botohan sa Mayo, dahil idiniin niya ang pangangailangang sa pagiisantabi ng mga personal na kagustuhan upang makamit ang “sama-samang tagumpay para sa mabuting pamamahala, isang magandang kinabukasan para sa mga Pilipino, at isang malakas at progresibong bansa”.
“We need a leader. And for the 2022 Presidential elections, given all these considerations and the crisis we have to overcome, that leader is a woman. Her name is Leni Robredo,” ayon sa kanya.
Sa bukod na pahayag, sinabi ni Lacson na ang desisyon niya na magbitiw sa partido ay naganap matapos siyang makakuha ng impormasyon na ang slate ng partido sa Davao del Norte ay nag-endorso ng isa pang kandidato sa pagkapangulo.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.