ROCBDC: 24 na ang drug cleared barangays sa San Pablo City

0
499

San Pablo City, Laguna. May kabuuang dalawampu’t apat na ang drug cleared barangay sa lungsod na ito matapos pumasa ang apat pang barangay sa 1st Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program (ROCBDC) kamakailan.

Sa isinagawang deliberation sa Breeze Montagne Resort, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal, kabilang sa apat na pumasa ang Brgy.Atisan na nasa pamumuno ni Chairman Renato Guevarra, San Mateo ni Chairman Rodelo Arceo, V-A ni Chairman Ryan Magyawe at San Lucas I ni Chairman Rommel Cordano, ayon sa report ni San Pablo City Police Station Chief, PLTCOL Garry C. Alegre kay San Pablo City Mayor Loreto S. Amante.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Amante sa mga barangay officials  sa kanilang pagsisikap sa pagsasagawa ng mga epektibong programa upang patulot na sugpuin ang iligal na droga.

Pinasalamatan din ni Amante ang pamunuan ng Regional Oversight Committee sa pangunguna ni Reg’l Dir. Melvin S. Estoque, PDEA IV-A at Chairman ng ROCBDC at ng iba pang committee officials ng Department of Health-Calabarzon, Philippine NAtional Police Regional Office 4A at Department of Interior and Local Government-Calabarzon.

Unang naideklarang drug cleared barangay sa nabanggit na lungsod ang mga sumusunod: Barangay ll-D na nasa pamumuno ni Chairman Salvador Gamara; ll-E, Chairman Romnick Manalo; lll-A, Chairman Jocelyn Avanzado; lll-F Chairman Arnulfo Alvaran; lV-A, Chairman Ticzon; Vl-B, Chairman Ronald de Gala; V-B, Chairman Susan Briones; V-C, Chairman Noel Enriquez; V-D, John Alilio; Vl-B, Chairman Gernar Aviñante; Vl-C (Bagong Pook) Chairman; Ernesto Carreon; VI-D, Chairman Jenalyn Mendoza;  Vll-C, Chairman Teodolfo Marasigan, Vll-D ni Chairman Gerry Co sa dating pamumuno ni Hon. Carmela Acebedo na kasalukuyang City Councilor; Vll-E, Chairman Ronelio Mendoza, Bautista, Lamberto Herrera; San Isidro, Chairman; Jasmin Alcantara; San Lorenzo, Chairman Ronaldo Flores; at San Roque, Chairman Trecesito Deogracias.

May dalawampung barangay pa na nakatakdang sumailalim sa proseso ng drug clearing at evaluation sa susunod na deliberation, ayon sa ulat ni Alegre.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.