Romualdez: Hulihin ang mga hoarders ng sibuyas, bawang

0
213

Binalaan ni Speaker Martin Romualdez noong Linggo ang mga hoarder ng sibuyas at bawang na lumilikha ng artipisyal na kakulangan sa supply na nagresulta  sa pagtaas ng presyo.

Sinabi ni Romualdez na inutusan niya ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon at irekomenda ang pagsasampa ng mga kaso.

Sa kabila ng patuloy na panahon ng pag-aani at pagpasok ng mga imported na sibuyas, nanatiling mataas ang presyo ng tingi ng mga produktong ito, ayon kay Romualdez.

“We received information that these people are hoarding onion, and more recently even garlic, to create an artificial scarcity in supply and induce price increases,” ayon sa kanya.

Ayon kay Romualdez, pag-aaralan ng House panel ang opsyon na irekomenda sa Pangulo ang calibrated importation ng sibuyas at bawang bilang paraan upang pigilin ang mga mapagsamantala na ilabas ang kanilang mga stock at ibaba ang mga presyo upang maibsan ang pasanin sa mga mamimili.

Ipinunto niya, gayunpaman, na ang naturang importasyon ay hindi dapat makasama sa kapakanan ng mga lokal na magsasaka.

“It is very important to ensure that any importation should consist of such quantity and be done well ahead of the harvest season to avoid any adverse effect on the livelihood of our local farmers,” he said.

Bukod sa imbestigasyon, nais ni Romualdez ang araw-araw na monitoring ng presyo ng sibuyas at bawang sa mga lokal na pamilihan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.