Rookie cop natakasan ng babaeng bilanggo

0
305

STA. ROSA CITY, LAGUNA. Dinisarmahan at kasalukuyang  nahaharap sa patong patong na kaso ang isang baguhang pulis matapos siyang matakasan ng isang babaeng preso habang dumadalo sa inquest proceedings sa Sta. Rosa City Prosecutors office kahapon.

Nasa protective custody ngayon ng Sta.Rosa City Police Station si Corporal Jeffrey Pagpagon, nakatalaga bilang police guard ng mga Persons Under Police Custody (PUPC). 

Ayon sa natanggap na report ni Police Brig. General Carlito Gaces, direktor ng Police Regional Office Calabarzon, dinala ni Pagpagon ang detainee na si Alice Reyes sa tanggapan ng City Prosecutors office kung saan tinanggalan pa umano nito ng posas ang preso bago iharap sa piskal.

Si Reyes ayon sa record ng pulisya ay isang street level individual na matagal ng involved sa pagtutulak ng shabu sa nabanggit lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tiwala iniwan ni Corporal Pagpagon si Reyes sa labas ng tanggapan ng City Prosecutors at sinundo ang iba pang persons under police custody na haharap din sa inquest proceedings.

Pagbalik ng bagitong pulis ay wala na sa kinauupuan si Reyes na ayon sa ilang saksi ay normal na naglakad palabas ng compound ng Sta. Rosa justice hall 

Iniutos ni Police Lt.Col. Paul Sabulao, Sta. Rosa CPS nasamsamin ang service firearm ni Pagpagon at inatasan ang mga imbestigador ng police station kasabay ng imbestigasyon hinggil sa kung  paano natakasan ng isang babaeng bilanggo ang pulis 

Nahaharap sa kasong negligence si Pagpagon at posible umano itong matanggal sa serbisyo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.