Russian Pacific Fleet, dumaong sa Naval Station Jose Andrada kahapon

0
486

Dumaong sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila ang Russian Pacific Fleet kahapon, Nobyembre 16, 2021 upang magkarga ng pagkain at iba pang kitchen supplies at upang makapag pahinga at makapaglibang ang mga sundalong pandagat na sakay nito.

Ang Russian navy contingent ay binubuo ng Corvette Gremyashchiy, dalawang submarino, isang tanker na Pechenga at support vessel na Alatau.

Ang pagdaong ng ng Russian Pacific Fleet at ang pagtanggap ng bansa sa hukbong-dagat ng nabanggit na bansa ay lilikha ng  peace, stability at malakas na maritime cooperation sa rehiyon, ayon sa report mula sa Naval Station Jose Andrada.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.