Inihayag na ng pamunuan ng Quiapo Church ang opisyal na ruta ng prusisyon para sa Traslacion ng Itim na Nazareno na gaganapin sa Enero 9, 2024.
Ang prusisyon ay magsisimula sa Quirino Grandstand, tatahakin ang kanan sa Katigbak Drive, at magtatapos sa Finance Road patungo sa Ayala Bridge. Pagdating sa tulay, kakaliwa sa Palanca St., kanan sa Quezon Boulevard, at kakakanan sa Arlegui Street.
Ang ruta ay magpapatuloy sa Fraternal Street, Vergara Street, at kakaliwa sa Duque de Alba Street. Mula rito, kakaliwa sa Castillejos Street, Farnecio Street, at kanan sa Arlegui Street. Pagkatapos, kakaliwa sa Nepomuceno Street, kakaliwa sa Concepcion Aguila Street, at kanan sa Career Street.
Kasuod nito ay kakaliwa sa Hidalgo at Plaza del Carmen, pagkatapos ay kaliwa sa Bilibid Viejo patungong Gonzalo Puyat. Kaliwa sa J.P. de Guzman Street at kanan muli patungo sa Hidalgo Street.
Kaliwa sa Quezon Boulevard, kanan sa Palanca Street, at dadaan sa ilalim ng Quezon Bridge. Pagkatapos ay kanan sa Villalobos papuntang Plaza Miranda hanggang sa makarating sa Quiapo Church.
Ang Traslacion, isang taunang pagdiriwang ng deboto sa Poong Nazareno, ay inaasahang dadaluhan ng libu-libong mga deboto mula sa iba’t ibang parte ng bansa. Ang ruta ng prusisyon ay nilalabas ng maaga upang maghanda at maayos na maipatupad ang seguridad at kaayusan ng nasabing kaganapan.
Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.