Sa hagupit ni Paeng sa Pilipinas, umiyak na naman ang mga magsasaka

0
526

Ang October hanggang December ay panahon pa rin ng tag ulan kaya hindi maiiwasan sa loob ng mga buwan na ito ang dalawin pa rin tayo ng bagyo. Sabi nga ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), anim hanggang siyam na bagyo pa ang ating babatahin hanggang Disyembre ngayong taon.

Noong nakaraan Oktubre. 29 ,2022 ay dumaan si Paeng sa CALABARZON at kasama dito ang Laguna partikular ang San Pablo City na direktang tinamaan nito.

Ilang bayan sa Laguna kasama ang San Pablo City sa sobrang nasalanta ng bagyo. Maraming pananim ang nasira at itinumba ng bagyo. Bagama’t hindi kalakasan ang hangin ngunit ang volume ng ulan ay tila hindi ordinaryo kaya bumaha sa ilang lugar at lumambot ang lupa kaya nagkaroon ng mga landslides at natumba ang mga puno. 

Malungkot na naman ang ating mga magsasaka. Apektado na naman ang pangkabuhayan. Nasira at nalugi na naman sa mga pananim at patuloy pa ring magagastusan dahil sa iniwan malaking imisin at kumpunihin.

Tila ang iba ay sumuko na pero ang may kasabihan tayo na ang sundalo habang nasusugatan ay lalong tumatapang. Tayong mga tunay na magsasaka ay patuloy na lumalaban kahit sugatan ang ating puso at bulsa.  Hindi tayo susuko.

Tayong mga magsasaka laging nakaasa sa biyaya, awa at habag ng ating Panginoon. Bagyo man ay bahagi rin ng creation kaya kailangan maging handa lagi ang ating mga kalooban. Ito ang aking paalala sa mga baguhang magsasaka.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.